top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Canino at Laure nakipagsabayan pero 'di umubra sa 'Great Wall'

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 16, 2026



Parents ni Divine Adili dumating sa bansa, manonood ng 2 laro ng Ateneo

Photo: Huwag na raw mabahala ang Gilas Men dahil silang Gilas women na raw ang bahala sa gold sa umpisa ng kanilang kampanya sa 20th Asian Games. (mix trend ph)



Nagawang pagtrabahuhin ng Alas Pilipinas women’s national team ang World No. 7 China sa unang dalawang sets, subalit madaling isinuko ang pandiinang third set para malasap ang straight-set na pagkatalo sa 18-25, 22-25, 8-25, Miyerkules sa unang laro ng koponan sa Pool B ng 20th Aichi-Nagoya sa Okazaki Chuo Sogo Park Gymnasium sa Nagoya, Japan.


Nakuhang makalamang nang maaga ng 3-1 sa first set, subalit tumugon naman agad ang defending champions ng 10-3 run para sa 6-11 na bentahe. Nabuhayan naman ang mga birada ng beteranong si Eya Laure upang makadikit sa 11-13, ngunit nanatiling nanindigan ang China na muling umukit ng panibagong mga atake para sa 5-1 blast tungo sa 12-18.


Sinubukang buhatin nina Angel Canino at Laure ang koponan, ngunit sadyang matindi ang pwersa ng nine-time Asian Games titlist para makuha ang unang set sa pamamagitan ng 19 puntos mula sa atake kasama ang dalawang blocks, gayundin ang apat na error ng Pilipinas.


Nakakuha naman ng magandang laban ang Alas squad sa second set, kahit na nagtatangkaran ang mga Chinese squad na mayroong anim na six-footers na manlalaro, naging dikit ang laro simula umpisa hanggang sa kalagitnaan sa 15-16 na bentahe lamang ng China.


Bagaman naiangat ng China ang bentahe sa 16-20, hindi sumuko si Canino na sinabayan ng magkasunod na errors ng China at matinding butata ni Thea Gagate upang maitabla ng Alas ang laro sa 20-20.


Nanguna para sa Pilipinas si Canino sa 14 puntos mula sa 13 atake at isang ace, na sinundan ni Laure sa 10 marka, galing lahat sa atake, at Solomon sa siyam mula sa walo at isang block, habang bumida sa Chinese squad si Tang Xin sa 19 puntos galing sa 16 atake, dalawang aces at isang block, gayundin sina Zhuang Yushan sa 17 puntos at Wang Aoqian sa 13 puntos.


Susubukan ng World No. 56 na Alas Pilipinas na makakuha ng panalo laban sa World No. 42 na Kazakhstan ngayong araw bandang alas-12:00 ng hapon, upang manatiling buhay ang tsansa na umusad sa susunod na round.


Fourth-place finish ang pinakamataas na puwestong nakamit ng women’s national team sa Asian Games noong 1962 Jakarta Games at 1966 Bangkok meet, habang sa nagdaang 2019 Jakarta-Palembang ay tumapos sa classification round ang Alas sa eight-place exit sa 1-6 rekord, habang hindi nakapagkwalipika sa 2022 Hangzhou Asian Games.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page