top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Campaign posters, nagkalat kung saan-saan, basura na naman!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
1 min read

@Editorial | January 24, 2022



Ramdam at literal na kitang-kita na ang papalapit na halalan.


Nagkalat na naman ang pagmumukha ng mga kandidato kung saan-saan.


Umpisa na naman ang pa-greetings kuno — Chinese New Year, Valentine’s Day hanggang sa mga piyesta, kani-kanyang bati sa tarpaulin, nagpaparamdam para sa Mayo.


May mga nakakabit na sa poste, pader, footbridge pati sa mga sasakyan. ‘Yung iba kaunting hampas ng hangin at ulan, nililipad na, ang ending, dagdag-basura!


Mas lalo pang titindi ‘yan pagtapos ng halalan. Tiyak na pahirapan na naman sa pagbabaklas ng mga campaign posters. Bukod sa wala na sa lugar ang pagkakabit, hindi pa maisipang linisin ng mga kandidato at supporters pagtapos ng halalan. Dapat manalo o matalo, matuto tayong magbaklas.


Isa pa sa matagal nang usapin ay ang pagpapanukala na magkaroon ng mga lugar kung saan lang puwedeng maglagay ng campaign posters. Hindi ‘yung kung saan-saan nagkakabit o nagdidikit.


May iba na walang patawad, basta may espasyo, sige salpak. ‘Yung mga puno, waiting shed at parke na nananahimik, dinadamay sa ka-epalan, sangkatutak na pagmumukha ng kandidato ang nakabalandra, sakit sa mata!


Sana makagawa ng patakaran ang kinauukulan sa problemang ito. Hindi lang basura ang naidudulot nang wala sa lugar na pagkakabit ng mga campaign materials, delikado rin ito lalo na kung alanganin ang pagkakalagay.


Sa mga kandidato, wala pa man tayo sa puwesto, ipakita na sana natin kung paano maging responsable sa pangangampanya pa lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page