top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

#Buylocal sa mga manok, isda at baboy ngayong Pasko

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2021
1 min read

@Editorial | December 13, 2021



Bagama't mas mababa na ang mga kaso ng COVID-19 ngayon kumpara sa nagdaang halos dalawang taon, patuloy pa rin ang pananalasa nito.


Pero 'ika nga, may pandemya man o wala ay tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.


Sobrang busy at excited na naman ng mga Pinoy. May iba na todo-plano na ng paglalamyerdahan o pagbabakasyunan habang ang iba nama'y nakuntento na lang sa plano ng mga ihahanda sa hapag-kainan.


Siyempre dahil Pasko, kani-kanyang ganap ang Noche Buena ng bawat pamilya.


Kaugnay nito, hinihikayat ang mga consumers natin na bilhin ang mga lokal na produkto, kasama na ang mga karne ng baboy at manok, gayundin ang isda.


Ayon sa mga local food producers, dapat tangkilikin at piliin ang masusustansiya at sariwang lokal na produkto.


Makatutulong ito sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at producers na lubos na naapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.


Sa panahon ngayon, tayo-tayo lamang din ang magtutulungan at ang simpleng pagtangkilik sa mga lokal na produkto ay malaking bagay upang suportahan ang isa't isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page