top of page

Buwis-buhay sa ayuda

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | April 21, 2026



Editoryal, Editorial


Nakakagalit at nakapanlulumo ang balitang isang motorcycle taxi driver ang namatay habang nakapila para sa ayuda. Hindi ito simpleng trahedya—ito'y malinaw na resulta ng palpak na sistema.


Ang ayuda ay para tumulong, pero bakit kailangang magtiis sa mahahabang pila at siksikan sa gitna pa ng sobrang init na panahon? Hindi ba kayang ayusin ang distribusyon? Ilang beses na bang may ganitong insidente, pero walang nagbabago?


Nand'yan na ang teknolohiya, marami nang paraan para maihatid ang cash assistance, bakit hindi ginagamit? Kailan pa pagtutuunan 'pag meron na namang napahamak? 

Hindi dapat isugal ang buhay para lang makatanggap ng tulong.  


Kung may organisasyon at tamang sistema, maiiwasan ang ganitong pangyayari. Nawa, ang trahedyang ito ay magsilbing panggising sa mga kinauukulan. Hindi sapat ang pagbibigay ng ayuda kung ang proseso naman ay naglalagay sa peligro sa buhay ng tao. 


Panahon na upang repasuhin at ayusin ang sistema—maglatag ng mas organisado, mas mabilis, at higit sa lahat, mas makataong paraan ng pamamahagi.  

Ang ayuda ay karapatan, hindi pabor. At hindi dapat may namamatay para lang makuha ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page