top of page

Buwis-buhay para sa content, stop!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 23, 2026



Editoryal, Editorial


Sa panahon ngayon, paramihan ng views, likes, at followers ang labanan sa social media. 


Sa mga platform tulad ng TikTok, YouTube, at Facebook, mas mataas ang views, mas malaki ang kita at kasikatan. Dahil dito, may ilang content creators na gumagawa ng delikado at hindi responsableng content—basta lang mag-viral.


May mga gumagawa ng prank na nakasasakit, challenge na maaaring magdulot ng aksidente, at content na nagpo-promote ng maling gawain. 


Ang masama, ginagaya ito lalo na ng kabataan na gustong sumikat o mapansin. 

Sa isang iglap, ang simpleng “trip” ay maaaring mauwi sa seryosong pinsala o kapahamakan.


Hindi masama ang gumawa ng content at kumita mula rito. Ngunit kapag ang kapalit ay kaligtasan at mabuting impluwensya, dapat itong pag-isipan. Ang views ay panandalian lamang, ngunit ang epekto ng mapanganib na content ay maaaring pangmatagalan.


May responsibilidad ang content creators na maging huwaran sa kanilang audience. 

Gayundin, dapat higpitan ng mga platform ang pagbabantay sa mga content na nagpo-promote ng panganib. 


Higit sa lahat, bilang manonood, may kapangyarihan tayong huwag tangkilikin ang content na delikado o hindi tama.


Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi lang sa rami ng views, kundi ang positibong epekto sa iba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page