top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bumalik sa pagkabata, senyales ng masayang ligawan at kasalan

BULGAR
Apr 23, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 23, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Violeta ng Masbate.


Dear Maestra,


Nasa early 20s na ako pero napanaginipan ko na musmos akong bata na nakikipaglaro sa mga bata na pawang musmos din. Nagkasakitan kami, tinapakan ako ng kalaro ko at tinapakan ko rin siya, kaya pareho kaming nasaktan.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Violeta



Sa iyo, Violeta,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagbalik ka sa kabataan at nakipaglaro sa mga pawang musmos din ay kaligayahan sa panahon ng ligawan hanggang kayo ay ikasal.


Samantala, ang ibig ipahiwatig ng nagkasakitan kayo ng kalaro mo ay matutupad ang lahat ng pinaplano mong gawin, maging ito man ay sa pag-ibig o pagbubukas ng negosyo. Walang makakahadlang sa mga binabalak mo, sa halip, mabibigo ang sinumang magtatangkang humadlang sa mga plano mo sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page