Bulkan sa Caribbean island, pumutok; mga residente, inilikas
ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 10, 2021

Pumutok ang La Soufrière o Soufrière Saint Vincent volcano sa eastern Caribbean island noong Biyernes, ayon sa University of the West Indies Seismic Research Centre.
Noong Disyembre pa umano nagkaroon ng senyales ng pag-aalburoto ng bulkan at nu’ng Huwebes, ipinag-utos ni Prime Minister of St. Vincent and the Grenadines Ralph Gonsalves ang pagpapalikas sa mga nakatira malapit dito.
Naglabas ng ash plumes ang bulkan na tumaas hanggang 8 km (5 miles) at umabot din umano ang ash fall sa Argyle International Airport, ayon sa St. Vincent’s National Emergency Management Organisation (NEMO).
Samantala, noong 1902, tinatayang aabot sa mahigit 1,000 katao ang namatay nang mag-alburoto ang naturang bulkan.





Comments