top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa mas bata raw ang aktor… HIRIT NG NETIZENS: BEA, WALANG FUTURE KAY DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 15, 2020




Lalo nitong matutukso si Dominic Roque kay Bea Alonzo dahil sa comment niyang “Grabe naman, ang ganda mo,” sa post ni Bea ng isa niyang photo na totoo namang napakaganda ng aktres.


In fact, sa simpleng comment na ‘yun ni Dominic, ang daming reaction, hindi nga lang positive lahat. May mga kinilig at pinayuhan ang aktor na ligawan na si Bea at kapag sila na, mag-propose na agad para hindi na maagaw pa ng iba ang aktres.


May mga nag-comment naman na ayaw kay Dominic para kay Bea dahil sa age gap. Ayaw nila na mas bata ang magiging BF ni Bea, na para namang sila ang pipili kung sino ang gustong mahalin ng aktres. May nag-comment din na parang walang magiging future kay Dominic si Bea dahil mas malaking artista raw ang aktres kesa sa aktor. ‘Kaloka, ‘di ba?


Mas maraming shippers sina Bea at Pasig City Mayor Vico Sotto at alam siguro ito ni Dominic and hopefully, hindi siya mawalan ng pag-asa at hindi umatras kung nanliligaw man siya o manliligaw pa lang kay Bea.


Samantala, dahil sa Covid-19, for take-out, pick-up at delivery na muna sa Dean & Deluca franchise branch ni Bea sa Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page