Search
  • BULGAR

Bukod sa ayuda… LUIS, BIBIGYAN NG TRABAHO ANG MGA JEEPNEY DRIVER

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 30, 2020




Tuwing pinapanood namin ang mga video posts ni Luis Manzano ay laging laff out loud kami dahil puro kakenkoyan ang kanyang mga isine-share.


Pero nito lang Sunday (June 26), tipong seryosong nag-video si Luis ng sarili habang nananawagan sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho.


Inalok niya ang mga "no work, no kita" drivers na mag-apply sa kanyang taxi business na LBR kung gusto ng mga itong mag-drive ng taxi kesa nakatengga nga lang naman sa bahay.


Sabi pa ni Luis, may mga incentives pa siyang ibibigay sa mga mag-a-apply sa kanilang LBR Taxi business like cash and relief goods bilang ayuda.


Nice one, Luis Manzano!


Sana nga ay muli kaming makakita ng LBR taxi sa Metro Manila na tipong na-stop simula nang dumating si Covid-19.


And take note, ang alam namin ay may share rin si Kris Aquino sa LBR taxi business ni Luis at ng dalawa niyang friends.


Heard na basta kulay pink ang LBR taxi ay pag-aari raw 'yun ni Kris na umaabot daw sa almost 2 thousand units.

How true, Lucky Luis?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.