ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 24, 2024
Buking na hindi pa rin pala totally nakaka-move on si Kim Chiu sa breakup nila ng boyfriend for 13 yrs. na si Xian Lim.
Sa episode kasi ng It's Showtime nu'ng Lunes, July 22, naging emosyonal si Kim at pinigilan lang maiyak pero halata sa garalgal niyang boses nang sumagot sa tanong ni Jackie Gonzaga na hurting pa rin siya sa hiwalayan nila ni Xian.
Napag-usapan sa segment na EXpecially For You kung ano bang dapat gawin kapag nakasalubong ang ex na may kasama nang bagong dyowa.
Unang tinanong ni Vice Ganda si Jackie kung haharapin ba o iiwasan ang ex nitong si Tom Doromal.
“Kung sakaling meron ka nang boyfriend, sasadyain mo bang makita niya (ex-boyfriend) kayo o kung magkikita kayo, iiwas ka na lang?” Vice Ganda asked.
Sagot ni Jackie, “Makita at makita mo, ito ‘yun, eh. Hindi na para magtago. Hello?
Ipinagdasal ko ‘to. Itatago ko pa ba?” pero kasunod nito ang pagluha ng It's Showtime co-host.
Napansin ni Jackie na parang naiiyak na rin si Kim kaya ito naman ang binalingan niya ng tanong, “Sa estado ng pagkatao mo ngayon, nagkasalubong kayo sa hallway, kasama na niya ‘yung bago niya, ano'ng gagawin mo?”
Pinipigil pang maiyak na sabi ni Kim, “Ganu’n naman ang buhay, eh. Hindi naman ibinibigay ni God ‘yung mga hardest battle niya to his strongest soldiers. Ha! Naiiyak ako!”
Tinanong uli ng mga co-hosts niya kung ano nga ang gagawin niya.
Napipilitang sagot ni Kim, “Haharap [ako], siyempre!” habang pigil pa rin sa pag-iyak at sabay hingi ng tissue kay Vhong Navarro.
Dagdag nito, “Ganu'n talaga. Hindi ka dapat tumatalikod sa mga bagay na magpapalakas sa 'yo,” habang gumagaralgal na ang boses.
At bago pa tuluyang bumigay sa pag-iyak, nagyakap na lang sina Kim at Jackie.
Pero sa huli, sabi rin ni Kim, "Okay pa po ako, gusto ko pa po ng lalaki."
Wahhh! That's Kim, guys! Sabi nga, tuloy lang ang buhay no matter what!
A’Tin at Blooms, atat na yarn?
SB19 AT BINI, GAGAWA NA RIN NG MOVIE?!
BIG success ang unang Puregold CinePanalo Film Festival last year sa pamumuno ng festival director na si Direk Chris Cahilig, kaya no wonder na natuwa nang bongga ang president ng largest retail supermarket sa buong ‘Pinas na si Mr. Vincent P. Co at heto na nga, may Year 2 na ang naturang festival.
Sa 2nd Puregold CinePanalo Filmfest mediacon na ginanap sa Gateway 2 kahapon, masayang ibinalita at inanunsiyo ni Direk Chris na mas bongga ang festival this year dahil kung last year ay P2M ang production grant na ibinigay sa mga full-length filmmakers na sumali, this year ay P3M na, samantalang P150K naman bawat isa para sa 25 selected student short films na dating tig-P100K.
Kasalukuyan pang tumatanggap ang CinePanalo Filmfest committee ng mga complete screenplay entries kung saan July 30 ang deadline for full-length films at August 15 naman for student shorts.
Medyo mahirap lang daw ang proseso ng pagpili dahil iniiwasan nina Direk Chris Cahilig na maulit ang mga pelikulang ipapalabas this year. Of course, ang gusto nila ay ‘yung kakaiba at bago sa panlasa bukod sa may value talaga at de-kalidad dahil plano rin pala nila itong dalhin sa mga international filmfest after ng CinePanalo Film Festival na gagawin next year.
Yes, next year pa ipapalabas ang mga pelikulang mapipili dahil bibigyan daw nila ng 7 months ang mga full-length filmmakers na magawa at matapos ang kanilang entries.
Ibinalita rin ni Direk Chris na nagulat siya na may mga international filmmakers ding nagpadala ng entries nila ngayong taon bukod sa ilang local celebrities na aspiring filmmakers, pero hindi pa raw niya puwedeng pangalanan sa ngayon dahil ongoing pa nga ang selection of entries.
Diretsahan naming tinanong si Direk Chris Cahilig kung posible rin bang makasama at magbida sa mga entries ang mga Puregold ambassadors na SB19 at BINI girl group since sikat na sikat sila ngayon at for sure, inaabangan ng mga fans kung kelan sila mapapanood sa pelikula.
Sagot sa amin ni Direk Chris, “Naku, may mga possible surprises in the works na hindi ko pa puwedeng sabihin, pero kung fans kayo ng SB19, BINI or mga artists, meron kaming isang pasabog na inaayos na sana, matuloy.”
“Any clue, Direk?” hirit namin.
“Involved sa festival. So, may something na puwedeng mangyari among them in collaboration with the festival, a special feature.”
Aminado naman si Direk Chris na malaking panghatak talaga sa CinePanalo Filmfest viewers kung mapapanood din dito ang mga sikat na sikat ngayong all-boy at all-girl group.
“Sana, sana talagang matuloy kasi it’s still in the works pa lang kaya ‘di pa puwedeng sabihin. Pero I really hope matuloy because it’s something amazing out of the… magugulat lahat ng tao na parang… oh, wow!”
Dagdag pa nito, “Alam n’yo naman si Puregold, mahilig sa surprises, mahilig sa mga bagay na unpredictable. This is something unpredictable and when it happens, you will find out.”
Naku, ‘yun na!!! For sure, ngayon pa lang, excited na d’yan ang mga A’Tin (SB19 fans) at Blooms (BINI fans).
Comments