"Build, Build, Build" tuloy, trabaho pa more
@Editorial | September 17, 2022
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nangangailangan ng nasa 12,000 manggagawa para sa mga railway project sa bansa.
Kailangan ang mga trabahador para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway projects.
Kailangan ng mga civil, mechanical at electrical engineer, mga mason, at iba pang skilled workers.
Magkakaroon din ng job fair sa Laguna sa katapusan ng Setyembre para makapaghanap ng mas maraming manggagawa.
Sa pagpapatuloy ng "Build, Build, Build" project ng gobyerno, hindi lang mga daanan o imprastraktura ang nabubuo kundi nagbubukas din ito ng pagkakataon para sa dagdag-trabaho.
Panahon na para makabawi ang mga nawalan ng trabaho at sana, bigyang-prayoridad ang mga Pinoy lalo't ang mga ito naman ay proyekto para sa sariling bansa. Bago sana kumuha ng dayuhan, unahin muna ang ating mga kababayan na sigurado namang magagaling at talagang mapagkakatiwalaan sa trabaho.
Manalig tayo na ito na ang simula ng tuluyang pagbangon.
Tanaw na natin ang pagtatapos ng pandemya, samantalahin na natin ang pagkakataon.



Comments