top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

"Build, build, build" program para sa health facilities, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2022
1 min read

@Editorial | August 11, 2022


Hindi maitatangging maganda ang iniwang "Build, Build, Build" program ng Administrasyong Duterte.


Kaya nga nais din ni Pangulong Bongbong Marcos at ng mga mambabatas na ipagpatuloy ito.


Hindi lang tayo nakapagpapatayo ng mga imprastruktura na mapakikinabangan kundi lumilikha rin ng mga trabaho ang nasabing programa.


Kaugnay nito, nais din sana nating maging bahagi ng "Build, Build, Build" ang mga health facilities.


Ito ay upang matugunan ang kakulangan sa ospital, polyclinics, referral laboratories, birthing centers, at iba pang pasilid na pangkalusugan.


Mas maraming health facilities, mas may laban tayo sa sakuna, kalamidad at pandemya.

Naranasan natin kung paano umapaw ang mga ospital sa pagdagsa ng mga pasyenteng may COVID-19.


Napakasakit makita na may mga hindi na umabot sa loob ng pagamutan at sa parking lot o tent na binawian ng buhay.


Kaya sana, bago pa man muling lumala ang sitwasyon o may dumating na panibagong bugso ng mga sakit ay handa na tayo.


Siyempre, hindi lang sa pasilidad kundi higit sa pagkakaroon ng magigiting na health workers.


Ngayon pa lang pagtuunan na natin ng pansin ang kabuuan ng ating health system.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page