top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Buhos ang suporta ng mga celebrities para sa AP Partylist sa Cebu and Palawan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2022
1 min read

by Bulgar Online - @Brand Zone | May 7, 2022



Bumuhos ang pagpapakita ng suporta sa AP Partylist ang mga celebrities sa iba’t ibang mga aktibidad habang papalapit na ang araw ng eleksyon.



Sa Barili, Cebu, pinangunahan ang AP Partylist nina first nominee Rep. Ronnie Ong at third nominee Chris Tio kasama ang singer-songwriter Yeng Constantino. Sa pangunguna ni Mayor Julie Flores ng Team Flores, sumama ang AP Partylist sa pag-iikot at pagka- caravan sa buong Barili. Matapos nito ay nagkaroon din ng programa sa Barili Municipal Hall Plaza kung saan daang daang residente ang dumalo para magpakita ng suporta.



Noong May 3 naman, nagkaroon ng dalawang magkasabay na aktibidad ang AP Partylist. Sa pinangunguna nina third nominee Chris Tio, The Youth Hub at Vice Mayor Franklyn Ong, ang For Leni concert ay ginanap sa Waterfront Cebu City Hotel kung saan nagperform ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre. Kasama din sa mga performers ay sina Jericho and Wonggoys.



Sa parehong araw, pinangunahan naman ni first nominee Rep. Ronnie Ong ang kanilang mga aktibidad sa Palawan kasama ang aktres na si Yassi Pressman at mga singer-rappers na sina Smugglaz, Bassilyo, and Sisa. Noong umaga ay nagkaroon sila ng meet and greet sa San Jose New Public Market at grand rally naman sa hapon sa Puerto Princesa Baywalk. Si Pressman, gaya nina Smugglaz, Bassilyo, and Sisa ay naging parte na ng kampanya ng AP Partylist at kasama sa maraming sumusuporta sa partylist.



Para malaman pa ang mga programa at mga inisyatibo ng AP Partylist, bisitahin at sundan ang kanilang mga social media pages: appartytist sa Instagram at Twitter; APPartylist sa Facebook at Youtube; at the.ap.partylist sa TikTok.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page