Budget sa kalusugan, bantayan
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | December 9, 2025

Diretsuhin na natin, kulang ang budget sa kalusugan, at madalas hindi pa nagagamit nang tama ang pondo.
Habang tumataas ang bilang ng nagkakasakit, nananatiling hirap ang mga ospital — kulang sa gamot, gamit at tao. Hindi ito nangyayari dahil walang pera, kundi dahil madalas malabo kung saan napupunta ang pondo.Kaya mahalaga ang mahigpit na pagbabantay.
Hindi dapat pinapalampas ang budget deliberations. Dapat tanungin ang gobyerno kung paano ginagastos ang pondo para sa mga rural health unit, bakit hindi pa rin sapat ang sahod ng mga health worker, at bakit sa kabila ng malaking alokasyon ay may mga pasyente pa ring nakapila at naghihintay ng maayos na serbisyo.
Kung tunay na prayoridad ang kalusugan, dapat ito makita sa malinaw, sapat, at tapat na paggamit ng budget. Walang puwang para sa katiwalian at kapabayaan.
Ang pondo para sa kalusugan ay hindi dapat nilulustay o ninanakaw kundi dapat ay nararamdaman sa bawat ospital, barangay health center, at pamilyang Pilipino.





Comments