top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Budget sa COVID-19, isiniwalat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2020
  • 3 min read

ni Twincle Esquierdo | July 17, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Maraming bahagi ng budget ang naibawas sa iba’t ibang ahensiya kabilang na ang offices of President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo para matugunan ang COVID-19 pandemic simula Hunyo, sinikap ng gobyerno na makakuha ng pondo sa para sa pandemya bago mapaso ang Bayanihan to Heal as One Act.


Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) ay ipinakita nila simula Abril hanggang Hunyo ay Php14.3 bilyon budget ang nagastos ng government departments, habang nakikipaglaban sa COVID-19.


Gayunman, nang matapos ang Bayanihan law, pinayagan ni Pangulong Duterte na mai-realign ito sa dalawa. Ang Php4.1 trilyon para sa 2020 national budget ay binawasan ng Php3.7 trilyon para sa pagtugon ng COVID-19 pandemic.


Kasabay nito ay ipinaliwanag ni Budget Secretary Wendel E. Avisado na ang mga budget na ito ay pinaghati-hatian sa mga programa, aktibidad at mga proyekto ng gobyerno na maaaring maantala sa susunod na taon at ang budget ng 42 na departamento at ng iba pang executive offices ay binawasan din sa pagitan ng Abril hanggang Hunyo.


Ang mga ahensiya ng gobyerno na binawasan ng malaking budget ay ang mga sumusunod: -Department of Public Works and Highways, (DPWH), Php.123.1 bilyon -Department of Education, (DepEd), Php.24.2 bilyon -Commission on Higher Education, (CHED), Php.13.9 bilyon -Department of Agriculture, (DA), Php.13.9 bilyon -Department of Transportation, (DOTr), Php.8.8 bilyon -State universities and colleges, (SUCs), Php.8.9 bilyon Kaugnay nito ang mga ahensiya para sa mga frontliner at socioeconomic ay nakakuha naman ng karagdagan budget para sa pandemya at nagpatupad ng social amelioration program (SAP) para sa mga mahihirap, manggagawang nawalan ng trabaho, puhunan para sa mga maliliit na negosyo at sa pagtugon para sa COVID-19 ay ang mga: -Department of Finance, (DOF), P35.3 billion -Department of Health, (DOH), Php.1.9 bilyon -Department of Labor and Employment, (DOLE) Php.5.6 bilyon -Department of Social Welfare and Development, (DSWD) Php.165.2 bilyon Binawasan rin ang budget ng government-owned and/or -controlled corporations (GOCCs) ng halos Php10.7 bilyon mula sa Php.195.9 bilyon na naging Php.185.3 bilyon budget para sa taong 2020.


Kasunod nito ang budget ng local government units (LGUs) lalo na sa Metro Manila na may Php. 4.8 bilyon ay binawasan ng Php. 676.5 milyon at naging Php.4.1 bilyon budget ng Metropolitan Manila Development Authority .


Nagdagdag din ng budget para sa Bayanihan law ng Php.15.6 milyon dahil priyoridad ang mga programa, proyekto at mga aktibidad nito para sa COVID-19 at dinagdagan pa ng halos Php.10 bilyon na napunta sa special account para sa pangkalahatang pondo dahil ginawang itong doble na umabot sa Php. 22.4 bilyon mula sa Php. 12.5 bilyon para sa 2020.


Gayunman, ayon sa DBM ay inilabas mula sa special account ang Php22.4 bilyon nu’ng Hunyo para sa Bayanihan law, “a fund whereby proceeds of specific revenue measures and grants earmarked by law for specific priority projects are recorded”¬


Samantala, ayon kay Assistant Budget Secretary Rolando U. Toledo nitong Miyerkules (Hulyo 15) ang Php. 3.78 trilyon o 92.3 percent ng budget ay halos nasa unang yugto ng budget para sa taong 2020 dahil sa pagtugon ng pandemya.


Gayundin, sinabi ni Avoisado na Php37.5 bilyon ang ibinigay ng Bayanihan grant sa local government para matugunan ang pandenya at Php 7.6 bilyon lamang ang na-liquidate ng halos 386 LGU. Dahil karamihan sa mga pondong ito ay ginamit para sa pagkain, kagamitan sa mga ospital at iba pang gastos para sa COVID-19.


Ang halos Php374.9 bilyon budget ay ibinahagi sa mga probinsiya, lungsod at mga munisipalidad noong Hunyo 30, 2020 sa ilalim ng Bayanihan law.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page