Bro. Eli Soriano ng 'Ang Dating Daan', pumanaw na sa edad na 73
- BULGAR

- Feb 12, 2021
- 1 min read
ni Mary Gutierrez Almirañez | February 12, 2021

Pumanaw na ang ‘Ang Dating Daan’ preacher na si Bro. Eliseo “Eli” Soriano, 73-anyos, ayon sa Facebook page ng Members Church of God International.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa isinasaad ng kampo ni Soriano ang dahilan ng pagkamatay niya.

Nagsimula si Soriano sa pagiging radio anchor noong 1980 kung saan umeere ang program ng “Ang Dating Daan”.
Taong 1983 naman nang sunod siyang umere sa telebisyon.
Kilala rin si Soriano bilang “Bible Expositions” at “Overall Servant” sa nasabing relihiyon.
Isinilang siya sa Pasay City noong 1947 at lumaki sa Pampanga.




Comments