top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Boyish na ayaw tumandang dalaga, feminine guy ang makakatuluyan

BULGAR
Jul 10, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 10, 2022


Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Pihikan kasi ako sa lalaki at may pagka-conservative, gayundin, hindi ako friendly sa kanila. Mula kasi noong bata ako at hanggang ngayon, ang kilos ko ay parang lalaki, kaya nahihirapan ako na baguhin ang nakasanayan ko. May kapatid ako na dalawang lalaki, pero ako ang panganay sa aming magkakapatid. Feeling ko, kapag nakasuot ako ng dress ay hindi ako komportable at nahihiya ako. Kaya minsan, naisip ko na wala akong appeal sa mga lalaki dahil na rin sa pananalita ko na hindi pino, mabilis kasi akong magsalita, kumilos at maglakad. Ano’ng magagawa ko kung ganito talaga ako?


Gayunman, gusto kong magkaroon ng strong personality sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. Ayaw kong tumandang dalaga dahil sayang naman ang aking hitsura. Siyempre, nangangarap din ako na magkaroon ng sariling pamilya at minamahal na mag-aalaga sa akin at makakayakap ko sa aking pagtanda.


Maestro, may pag-asa pa ba akong makapag-asawa? Kung mayroon, kailan at ano ang mga palatandaan ng lalaki na mapapangasawa ko? Ang tatay ko ay tricycle driver, habang ako naman ay jobless na, loveless at hopeless pa.


Sana ay matulungan n’yo rin ako na magkaroon ng boyfriend at lumigaya.


Gusto ko ring malaman kung okey na ba ang aking ladga o may dapat pang baguhin? September 14, 1991 ang aking birthday.


Umaasa,

Arianne ng Malanday, San Mateo, Rizal


Dear Arianne,


Ang birth date mong 5 o 14 (ang 14 ay 1+4=5) at zodiac sign mong Virgo ay pinaghaharian ng planetang Mercury, kaya ganyan ka – mabilis kumilos, magsalita at maglakad. Sabi mo nga, asta o pormang lalaki ka, pero feminine naman at maganda. Tumpak ba?


Aanalisahin natin ngayon kung sino ang una mong magiging boyfriend at maaaring siya na rin ang iyong mapapangasawa. Kung boyish ka, pero girl na girl naman, ang posibleng ma-magnet ng iyong inner self ay lalaking astang babae, mahinhin kumilos, pero hindi bakla.


Kaya luminga-linga ka sa iyong paligid, obserbahan mo ang iyong mga kaibigan, masdan mo ang iyong mga kapitbahay, ka-barangay o kung sinuman ang pakalat-kalat sa inyong lugar na lalaking-lalaki naman, pero mahinhin ang dating, neat magsuot ng damit, at guwapo pero feminine. Tiyak na ‘pag sa kanya ka makipagkaibigan, makikita mo na magkakaroon agad ng kakaibang atraksyon ang inyong ugnayan hanggang sa kusa kayong magkahulugan ng loob.


Dagdag pa rito, ayon na rin sa Psychologist na si Carl Jung, kapag nagkatuluyan ang isang boyish na babae at feminine na lalaki, ang samahang ito ay siguradong habambuhay na magiging maligaya.


Walang iniwan sa usapang body physique, sinasabing ang payat at mataba ay ideal ding magsama at statistically speaking, marami ring ganu’ng klaseng magkapareha ang nagkatuluyan at naging maligaya habambuhay.


Bukod pa rito, ang zodiac sign mong Virgo ay nagsasabing ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn, Pisces, Gemini, Scorpio, at kapwa mo Virgo, higit lalo silang isinilang sa mga petsang 5, 14, 23, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 4, 13, 22, 31, 9, 18 at 27. Sa piling ng ganyang mga uri ng lalaki, tiyak ang magaganap, lalo na kung siya ay may pagka-feminine— tahimik, mahinhin kumilos, walang kibo, pero kapag tinitigan mo ay lalong gumuguwapo, siya na ang lalaking inilaan sa iyo ng kapalaran na makakasama mo habambuhay.


Hinggil naman sa iyong lagda, okey na ‘yan. Ang kailangan na lang ay habaan mo na tila isang straight line ang pinakapaa ng letter “a” sa dulong bahagi ng iyong lagda. Sa ganyang inobasyon ng lagda, tulad ng naipaliwanag na, magkakaroon ka ng bagong pag-asa, makakapagtrabaho at magkaka-boyfriend ka hanggang sa makapag-asawa at tuluyang lumigaya.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, ang pagkakaroon ng boyfriend na tiyak namang hahantong sa pag-aasawa ay nakatakdang mangyari, kasabay ng pagkakaroon ng matatag na trabaho sa taong 2023 at sa edad mong 32 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page