top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Boy, pinalabas na sinungaling… KARLA, IDINENAY ANG SINABI NI DANIEL TUNGKOL KAY KATHRYN, BUKING SA VIDEO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 1, 2024


Showbiz Photo
Photo: Karla Estrada / IG

Naglipana talaga ang fake news sa socmed. Isa na itong tsika na kinorek ni Karla Estrada ang statement ni King of Talk Boy Abunda regarding Daniel Padilla. 


Nangyari ang mga sinabi ni Tito Boy tungkol kay Daniel sa interbyu sa TV host sa vlog ni Luis Manzano.


Tinanong kasi ni Luis si Tito Boy kung aling showbiz breakup ang nagulat si King of Talk. 

Ang sagot ni Kuya Boy ay ang hiwalayan nina Daniel at Kathryn Bernardo.


Sa isang dating interbyu kasi, tinanong ni Tito Boy si Daniel na ano ang worst kesa sa betrayal sa isang relasyon. 


Tugon ni Daniel, “Maiwanan ka. Maiwanan ka ng taong mahal mo pa at nagmamahalan kayo. Maunahan ka niya, ‘yun din ang sabi ko. Baka hindi ko kaya ‘yun.


“Kung traydurin man ako o i-betray, it’s okay. It’s part of the relationship, parte ng buhay natin. Pero ‘yung hindi mo kayang ibalik kasi nawala, ‘yun ang pinakamasakit.”


Tapos ay binanggit ni Tito Boy kay Luis ang kanyang take-away sa interbyu niya kay Daniel and that is to be forgiven. 


Naganap ang interbyu during COVID-19 pandemic. 


Pero kumalat naman sa socmed na sinasabi diumano ni Karla na wala raw ganu’ng statement si Daniel sa interbyu ni Kuya Boy.


Well, to personally know the truth, hinanap namin ang interbyu ni Tito Boy kay Daniel sa YouTube at doon napanood mismo namin kung ano ang sinabi ni Daniel. 

Tama ang sinabi ni Tito Boy kay Luis na mga pahayag na binitiwan ni Daniel sa King of Talk.


Meaning, walang dapat ialma si Karla sa mga itsinika ni Kuya Boy kay Luis na statement ng kanyang anak na si Daniel.


Kaya ‘di rin masisisi ang mga netizens kung ma-bash man si Karla sa pag-call out niya kay Tito Boy, kung true man ang kumalat sa socmed.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page