Bonus para sa gov't. workers na tapat sa tungkulin
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | May 17, 2026

Narararapat na makatanggap ng mid-year bonus ang mga government workers na pangunahing nagsisilbi sa mamamayan.
Araw-araw silang nagtatrabaho upang maibigay ang maayos na serbisyo-publiko kahit minsan ay kulang sa kagamitan at mabigat ang responsibilidad.
Ang bonus ay hindi lamang dagdag na pera kundi pagkilala sa kanilang sipag, sakripisyo, at dedikasyon sa trabaho.
Malaking tulong din ang bonus upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na sa panahon ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Dahil dito, mas nagkakaroon sila ng motibasyon na pagbutihin pa ang kanilang serbisyo sa bayan.
Kaya naman, makatarungan lamang na mabigyan ng mid-year bonus ang mga tapat at masisipag na kawani ng gobyerno.



Comments