top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Bomogao babanatan 5th straight sa ONE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | July 31, 2026



Islay Erika Bomogao - FB

Photo: Islay Erika Bomogao - FB



Hindi paaawat sa kanyang ikalimang sunod na panalo si Pinay Muay World champion Islay Erika Bomogao na kakaharapin si Thai fighter Klinphakha Por Thaisong sa three-round Atomweight Muay Thai match ngayong araw sa ONE Friday Fights 164 sa makasaysang Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.


Dalawang magkasunod na knockout victory ang binanatan ni Bomogao noong isang taon kontra kina Nerea Rubio ng Spain sa first round at Ploychompoo ng Thailand sa second round, para sa kanyang 4-fight winning run sa ONE Championship stable na lubos na inensayo ang kanyang arsenal sa kanyang boxing styles.


Boxing is definitely something that we’ve always been working for and I think we Filipino’s have really been blessed with hands, like Manny Pacquiao,” pahayag ni Bomogao matapos ang KO victory kay Ploychompoo sa pamamagitan ng straight punch sa panga sa 1:34 sa first round sa ONE Friday Nights 134.


Muling patutunayan ng 25-anyos mula Baguio City ang kanyang bangis at tindi kontra sa Thai fighter na galing din sa 2nd-round knockout victory nang patumbahin ang kababayang si Kathi sa pamamagitan ng flying knee sa ONE Friday Nights 51 nitong Abril 24 sa parehong sports venue.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page