top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BOC-Zamboanga nagsampa ng kaso laban sa negosyanteng Filipino-Chinese.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2020
  • 2 min read

ni Twincle Esquierdo - @News | July 6, 2020




Nagsampa ng kaso ang Bureau of Customs (BOC)-Zamboanga District sa negosyanteng Filipino-Chinese sa local court sa Dipolog City sa paggawa ng pekeng sigarilyo sa Zamboanga del Norte.

Isiniwalat ni BOC-Zamboanga District Collector Segundo Barte Jr. na may nagsampa ng reklamo laban kay Alex Chua sa Dipolog City sa paglabag nito sa Executive Order No. 245, entitled “Amended Rules & Regulations Governing the Exportation and Importation of Tobacco and Tobacco Products” at mahaharap din sa kasong Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Ang babayaran diumano ni Chua ay batay sa ginawang raid ng composite team sa warehouse sa Dinas, Zamboanga del Norte na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Chua, 6 na cigarette-replicating machines na nagkakahalaga ng Php600 milyon ang nakuha rito.

Nakuha naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga pekeng documentary stamps na nagkakahalaga ng Php500 milyon na mga pekeng kahon ng sigarilyo.

Mahigit Php1.138 bilyon na cigarette-making machines, bogus stamps, pekeng sigarilyo ang nakuha. Idinala ang mga ito sa lungsod ng Zamboanga at ang mga makina sa paggawa ng sigarilyo ay dinala sa BOC sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Barte, inutusan siya ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na agad na magsampa ng kaso laban kay Chua at kinumpirma ng BIR Region IX na hindi rehistrado ang Manufacturer o nang anumang negosyo si Chua sa Zamboaga del Norte kaya paghihinalaan ito na sangkot sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo. Sinabi ni Customs Operations Officer 1 Michael Lanza na ang care taker ng warehouse na si Jonie Bersede Hinugin na ang mga makina sa paggawa ng sigarilyo ay binuo sa loob ng warehouse at inilagay sa maayos na lugar pati na rin ang iba pang gamit sa paggawa ng sigarilyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page