Search
  • BULGAR

Blaydes wagi vs. Russian sa UFC heavyweight fight

ni Gerard Arce - @Sports | June 23, 2020




Dinomina ni UFC heavyweight contender Curtis Blaydes si Russian fighter Alexander Volkov sa pamamagitan ng kanyang mga wrestling skills, (Linggo ng umaga sa Pilipinas), para makuha ang kanyang ika-apat na sunod na panalo sa UFC fight sa ESPN na ginanap sa APEX facility sa Las Vegas, Nevada.

Pambihirang kakayanan sa larangan ng wrestling ang ipinakita ng American number 3 contender laban sa Russian fighter na makailang-ulit nitong na-take down maging sa unang 10 segundo pa lamang ng unang round at sa tatlo’t kalahating rounds ng 5-round battle. Nakamit ni Blaydes ang unanimous victory sa mga hurado na nagbigay ng 49-46, 48-47 at 48-46 para maingat ang kartada nito sa 14-2.

Sinubukan pang makabawi ni Volkov nang magpamalas ng sariling ground game at striking skills sa 5th round, ngunit mas nangibabaw ang lakas ni Blaydes sa grounds.

It's always a good experience to know you can go 25 minutes, and there's things you need to work on, but you learn them in a win,” saad ni Blaydes matapos ang laban. “I need to work on my conditioning after the third round, but I'm happy with the win. Volkov is legit, and I'm one step closer to a title shot.”

Dahil sa panalong ito ay naging malaki ang tsansa ni Blaydes, gayundin si Francis Ngannou na maglaban para sa numero unong lalaban para sa UFC hevayweight title ni Stipe Miocic na nagawang tapusin ang trilogy nito kay Daniel Cormier sa UFC 252 noong Agosto 15, 2019.

Naipit naman sa Estados Unidos ang 6-foot-7 na Ruso dahil sa mga paghihigpit ng kanilang bansa dahil sa coronavirus pandemic, na matagal ring nabakante sa laban buhat ng panalo nito kay Greg Hardy sa Moscoq noong isang taon.

Wagi naman ng unanimous decision si featherweight Josh Emmet kay Shane Burgos sa co-main event para tanghaling isa sa magagandang laban sa fan-free bout.

Nakuha naman ni dating bantamweight contender Raquel Pennigton (11-8) ang isang decision laban kay Marion Reneau para makuha ang ikalawang panalo sapol noong 2016.

Tinapos naman ng beteranong si Jim Miller si Roosevelt Roberts sa pamamagitan ng armbar sa 2:25 ng first round ng catchweight.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.