top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Biyudang makapag-aasawa ulit at magiging forever hapi

BULGAR
Mar 21, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 21, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Belinda ng Roxas City.


Dear Maestra,


Ako ay isa nang biyuda, subalit napanaginipan ko na may asawa ako at mahal na mahal niya ako. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Belinda


Sa iyo, Belinda,


Kung ikaw ay single pa, ang ibig sabihin ng panaginip mo ay tuluyan ka nang hindi makapag-aasawa. Subalit ayon sa iyo, ikaw ay isa nang biyuda, kaya ito ay nangangahulugan na malapit ka nang mag-asawa. Gayundin, ito ay nagsasabing magiging masaya at matagumpay ang pagsasama n’yo.


Handa rin siyang pakasalan ka sa lalong madaling panahon, kaya ano pa ang hinihintay mo? Ihanda mo ang iyong sarili sa nalalapit mong kasal na tigib ng kaligayahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page