Biyudang makakapag-asawa ulit
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 8, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rhodora ng Cavite.
Dear Maestra,
Matagal na akong biyuda. Wala na rin akong balak mag-asawa, pero palagi akong nananaginip ng tungkol sa pag-aasawa.
Noong isang gabi, napanaginipan ko na may asawa na ako. Kagabi naman, napanaginipan kong umiibig ako sa asawa ng best friend ko.
Ano ang ipinahihiwatig ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Rhodora
Sa iyo, Rhodora,
Kapag ang isang babae na walang asawa ay nanaginip na may asawa na siya, ito ay nangangahulugang hindi na siya makakapag-asawa pa.
Gayunman, ang sabi mo ay biyuda ka na, kabaligtaran naman ang ipinahihiwatig kapag ang isang biyuda ay nanaginip na may asawa na siya. Ito ay nangangahulugan na malapit ka nang mag-asawa. Magiging maligaya ka sa piling ng mapapangasawa mo, gayundin, uunlad ang buhay n’yo at pagpapalain kayo.
Samantala, ang ibig sabihin ng panaginip mo na umiibig ka sa asawa ng best friend mo ay hindi mo na pinapansin ang lahat ng nagpaparamdam sa iyo dahil wala kang panahon sa kanila.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments