top of page

Ayuda sa PUV drivers, 'wag gawing band-aid solusyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 13, 2026



Editoryal, Editorial


Non-stop ang pagsirit ng presyo ng langis, at kasunod nito ang pagtaas ng pamasahe, presyo ng pagkain, at iba pang pangunahing bilihin. Ngunit ang pinakaunang tinatamaan ng krisis na ito ay ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan—mga jeepney, bus, UV Express, at tricycle drivers—na araw-araw nakikipagbuno sa mataas na gastos sa krudo.


Bilang tugon, naglaan ang pamahalaan ng P5,000 ayuda para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers. Sa unang tingin, tila malaking tulong ito. Ngunit kung susuriing mabuti, malinaw na hindi ito sapat. 


Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, ang halagang ito ay maaaring maubos sa loob lamang ng ilang linggo ng pasada.


Isang araw pa lamang ng biyahe, malaki na agad ang kinakaltas ng krudo sa kita ng mga tsuper. Idagdag pa ang boundary, maintenance ng sasakyan, at pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya. 


Sa ganitong sitwasyon, ang P5,000 ay parang pansamantalang tapal lamang sa mas malalim na sugat.


Kung seryoso ang pamahalaan sa pagtulong, hindi dapat ito manatili sa isang beses na ayuda. 


Kailangan ng mas malinaw, mas tuluy-tuloy, at mas sapat na fuel subsidy habang nananatiling mataas ang presyo ng langis. 


Higit sa lahat, dapat tiyaking mabilis at walang palakasan ang distribusyon ng tulong upang makarating ito sa mga tunay na nangangailangan. At ang P5,000 ayuda ay maaaring simula, ngunit hindi ito dapat maging hangganan ng responsibilidad ng pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page