top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Birth date ng mga bebot na dapat ligawan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 31, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 31, 2020



Dear Maestro,


Sa edad kong 27, wala pa rin akong girlfriend, pero ‘yung ibang mga kaibigan at barkada ko ay may karelasyon na. Kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo upang malaman kung kailan ako magkaka-girlfriend at sinu-sino ang mga ka-compatible ko?


Gayundin, paminsan-minsan ay tumataya ako sa lotto at umaasang balang-araw ay maging milyonaryo ako, kaya nais ko ring malaman kung ano ang mapalad kong numero? May 11, 1993 ang birthday ko.


Umaasa,

Richmond ng Punta, Santa Ana, Manila


Dear Richmond,


Hinggil sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing ka-compatible ng zodiac sign mong Taurus ang isang Virgo, Capricorn, Scorpio, Libra at kapawa mo Taurus, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 6, 15, 24, 2, 11, 20 at 29.


Kapag nakakita ka ng ganyang klase ng babae, na nabanggit na sa itaas ang zodiac sign at birth date, makipagkuwentuhan ka agad sa kanya at makikita mo na mahiwaga ang magaganap. Hindi maglalaon, magkakahulugan agad kayo ng loob at sa bandang huli, kahit sinadya o hindi, magiging magkasintahan kayong dalawa.


Hindi maiiwasan na kayo ay magkaroon ng relasyon dahil tulad ng nasabi na, tugma at compatible kasi ang nasabing mga zodiac sign at birth date sa itaas sa sarili mong birthday na May 11, 1993.


Kung hindi ganu’n ang zodiac sign at birth date ng liligawan mo (mga birth date at zodiac sign na binanggit na sa itaas), mas mabuti pang ‘wag mo nang ituloy ang panliligaw dahil tiyak na mabibigo o maba-busted ka lamang.


Sayang lang ang panahon sa panliligaw sa mga babaeng hindi mo ka-compatible dahil kahit maging girlfriend o asawa mo siya, sa bandang huli, dahil hindi mo siya ka-compatible, malaki ang posibilidad na maghiwalay lang kayong dalawa.


Samantala, bukod sa sarili mong numero na 11 at 2 (ang 11 at 1+1=2), mapalad ka rin sa mga numerong may sumatotal na 6, 3 at 9, tulad ng 15, 24, 33, 42, 12, 21, 30, 39, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 4, 13, 24, 34, 39 at 44, gayundin ang 1, 15, 28, 29, 33, at 36.


Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mga sariwang bulaklak at ornamental plants. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod na taong 2021 sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo sa edad mong 28 pataas, biglaan ang magaganap dahil magkaka-girlfriend ka na, hatid ng isang babaeng may zodiac sign na Scorpio na nagtataglay ng initial na letter E.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page