BINI, patok ang bagong feel-good song na 'Cherry on Top'
- BULGAR
- Jul 14, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment | July 14, 2024

Nagdagdag na naman ang nation's girl group na BINI ng bagong feel-good song sa kanilang discography nang ilabas nila ang 'Cherry on Top,' na ngayon ay available sa music streaming platforms nationwide.
Tampok sa music video ang mga miyembro ng BINI na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa isang vibrant summer vibe.
Sa kasalukuyan, ang ‘Cherry on Top’ ay nasa Spotify New Music Friday charts sa Korea, Australia & New Zealand, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Hong Kong, Singapore, Japan, at Pilipinas. Umani rin ang kanta ng mataas na pwesto sa iTunes Philippines habang ang music video nito ay agad na naging numero uno sa 'Trending for music on YouTube Philippines.'
Sumunod ang ‘Cherry on Top’ sa paglabas ng ‘Talaawaran’ EP ng grupo noong Marso, na naglalaman ng mga hit songs tulad ng ‘Karera,’ ‘Salamin, Salamin,’ at ‘Pantropiko.’
Matapos ang kanilang sold-out na three-day concert sa New Frontier Theater, nagsimula naman ang ‘BINIverse’ tour ng BINI sa buong bansa ngayong Hulyo na susundan ng kanilang North American tour sa susunod na buwan.





Comments