BINI Jhoanna, out sa KCON LA dahil sa health concerns
- BULGAR
- Jul 28, 2024
- 1 min read
by Eli San Miguel @Entertainment | July 28, 2024

Inanunsiyo ngayong Linggo na hindi makakalahok si Jhoanna, ang lider ng Nation’s Girl Group na BINI, sa K-Pop music festival KCON sa Los Angeles dahil sa mga health concerns.
Ipinost ang balita sa mga official social media pages ng BINI.
"Due to unanticipated health issues, Jhoanna will not be able to participate in KCON LA 2024," saad sa pahayag.
"Rest assured that she is being monitored closely and recovering well," dagdag pa nito.
Nakatakdang makiisa ang BINI sa "M Countdown Pre Show" sa Crypto.com Arena sa California.
Bukod sa kanila, ang mga K-Pop group na ENHYPEN at NMIXX ay magtatanghal din.
Kamakailan lamang ay inilabas ng BINI ang kanilang pinakabagong kanta na "Cherry on Top," na ngayon ay may 13 milyong views sa YouTube.




Comments