top of page
Search
  • BULGAR

Binatilyo sinita sa curfew, brgy. volunteer pinatay

ni Maeng Santos | July 4, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Dedo ang isang barangay volunteer matapos pagsasaksakin ng isang binatilyo na sinita umano ng biktima dahil sa paggala sa lansangan sa dis-oras ng gabi sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.


Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Wilson Mabini, 39, volunteer sa Brgy. Tonsuya.


Ipinag-utos naman ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang pagtugis sa suspek na si alyas Lorience.


Sa imbestigasyon nina PSSg. Jeric Tindugan at PSSg. Jose Romeo Germinal, alas-2:40 ng madaling-araw nang sinita umano ng biktima ang binatilyo dahil gumagala sa Phase 8, Flovie Homes, Letre, Bgy. Tonsuya, na paglabag sa umiiral na curfew.


Nauwi sa pagtatalo ang dalawa hanggang sa maglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page