Binatang worried maagawan ng nililigawan dahil sa isa pang manliligaw na ka-compatible rin ni girl
- BULGAR

- Jan 15, 2021
- 3 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 15, 2021
Dear Maestro,
May nililigawan ako at tawagin na lang natin siyang Kath. November 2, 1995 ang birthday niya, habang July 7, 1994 naman ang birthday ko. Sa pagkakaalam ko base sa mga natutunan ko sa inyong mga artikulo, compatible kami dahil siya ay isang Scorpio at ako naman ay Cancer.
Sabi n’yo, ang Cancer at Scorpio ay parehong may elementong tubig, tama ba ako? Ganundin ang birth date naming 2 at 7, sa Numerology, ang alam ko ay tugma rin kami. Kaya lang, ang problema ay bukod sa akin, may nanliligaw pa sa kanya na isang Virgo, na may birth date na September 7. Ibig sabihin, pareho kaming 7, kaya tugma rin silang dalawa.
Ang isa pang napansin ko ay sobrang malapit din sila ng lalaking ito, kaya parang nagseselos o kinakabahan ako na baka siya ang magustuhan ni Kath sa halip na ako. Ano ang dapat kong gawin at ano ang maipapayo n’yo? Sana ay matulungan n’yo ako o magbigyan ng tips kung paano o ano ang gagawin ko para hindi ako maunahan ng karibal ko sa nililigawan ko.
Umaasa,
Mr. Cancer Santiago, Aliaga, Nueva, Ecija
Dear Mr. Cancer,
Tama ka, medyo ka-compatible ng nililigawan mo na may zodiac sign na Scorpio, sa birth date na 2 ang lalaking karibal mo, na may zodiac sign na Virgo sa birth date na 7 at nagkataong pareho kayong may birth date na 7.
Dagdag pa rito, sa Astrology ay halos ganundin kung saan tugma nga ang nililigawan mo na isang Scorpio at ang iyong karibal na Virgo. Ang taglay na numero at water type sign na Scorpio ay sadyang tugma rin sa earth type sign na Virgo.
Habang ikaw naman ay may zodiac sign na Cancer sa birth date na 7 ay katugma mo rin ang nililigawan mo at ang nanliligaw din sa kanya, na ang ibig sabihin ay tugma at magkaka-compatible kayong tatlo.
Pero siyempre, dapat alam mo ang “basic rule” sa panliligaw at ito ay “Kung sino ang mas buo ang loob, siya ang mas malamang na magtagumpay,” kumbaga, hindi lang pagandahang lalaki ang panliligaw, pahusayan din yan ng tindig at angas.
Ganu’n ‘yun! Kailangang buo ang loob mo sa panliligaw at hindi lang sa panliligaw kundi pati sa lahat ng bagay upang hindi ka maargabyado o maisahan ng karibal mo.
Pero anuman ang kalabasan ng inyong kompetisyon ng karibal mo, isa lang ang tiyak, kung ang nililigawan n’yong babae na may birthday na November 2, 1995 ay medyo maliit, maputi, mabilis lumakad, may pagka-seryoso, maliit ang sulat ng kamay at palaging late dumating sa mga lakad, ‘wag ka nang umasa dahil mas magugustuhan niya ang karibal mong isinilang sa zodiac sign na Virgo.
Subalit kung ang nililigawan n’yong may birthday na November 2, 1995 ay sexy, nangungusap ang dibdib, palabiro, kuwelang kasama, palaging nakangiti, bungisngis, maganda ang labi, on-time dumating kung may mga lakad kayo, mahilig sa pagpapaganda, may pagka-chubby, mahilig sa gala o pasyal, tiyak ang magaganap, ikaw ang magugustuhan niya at siguradong sa taon ding ito ng 2021, sa buwan ng Setyembre o Oktubre, sasagutin ka na niya. At sa panahong ‘yun, habang lumalapit ang masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan, walang duda na sabay kayong magsisimba habang naghaharutan at nagtatawanan sa isang sulok, magkahawak-kamay kayong nakikinig ng misa.
Ganu’n at ‘yun ang magiging pattern o padron ng iyong relasyon. Matamis, maharot, nagbibiruan at palaging kuwelang magkasama, hanggang sa kayo ang magkatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na relasyon, na bibiyaaan ng unang anak na babaeng sanggol na kukumpleto sa pagmamahalan n’yong dalawa at ng itatayo n’yong maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments