top of page
Search
  • BULGAR

Binatang may 3 gf, balak nang magseryoso

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 16, 2022


Dear Maestro,


Dahil babad ako sa social media, hindi sinasadyang tatlo at sabay-sabay ang girlfriend ko at ngayon ay hindi ko alam kung sino ang seseryosohin ko sa kanila, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung sino sa kanilang tatlo ang talagang ka-compatible ko.


Naka-date o nakasama ko na rin silang lahat sa iba’t ibang pagkakataon at higit akong nagandahan kay Ms. S na may birthday na June 4, 2000, habang si Ms. M at si Ms. C ay mukhang mabait at okey naman, pero hindi masyadong kagandahan.

Ang birthday ni Ms. M ay November 29, 2001, habang si Ms. C naman ay July 12, 1999 ang birthday, at August 10, 1998 ang kaarawan ko.


Maestro, sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible at dapat kong seryosohin?


Umaasa,

Ren ng Bagbag, Novaliches, Quezon City


Dear Ren,


Ang zodiac sign mong Leo ay nagsasabing, higit mong ka-compatible ang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius kung ikukumpara sa zodiac sign na Gemini ni Ms. S, at sa zodiac sign na Cancer na Ms. C, kaya si Ms. M ang higit mong ka-compatible sa larangan ng Astrolohiya. Sapagkat ang Sagittarius at Leo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy.


Habang, sa Numerology, ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) na strong number ay suweto ring isama sa weak na number na 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ni Ms. M kung saan ang pagsasama ng strong number na 1 ay balanse at suweto sa weak number na 2.


Ibig sabihin, kung nagbabalak ka nang magseryoso sa isang girlfriend, very good ka. Ang dapat mong seryosohin na maging nobya at puwede na ring makasama mo habambuhay ay wala nang iba kundi si Ms. M, na nagtataglay ng birthday na November 29, 2001. Kapag kayo ang nagkatuluyan, matitiyak ang matagumpay at maligayang pagpapamilya habambuhay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page