top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Binata, sure na makakaalis sa susunod na taon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 1, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Garry ng Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na tatlong beses akong kinagat ng aso. Una ay sa bahay namin, pangalawa, sa kalye at pangatlo, ay du’n sa iskul.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Garry


Sa iyo, Garry,


Depende sa aso na kumagat sa iyo ang ibig sabihin nito. Kung kumakawag-kawag ang buntot nito, masigla, at matapang, ang ibig sabihin nito ay magiging masaya ka sa darating na mga araw, at may dadaluhan kang pagtitipon na kung saan mami-meet mo ang iyong mga kaibigan.


Samantala, kung ang asong kumagat sa iyo ay hindi naman matapang, mabagal kumilos, at para bang pagod, ito ay senyales na makakaranas ka ng pansamantalang kalungkutan at agad naman itong mapapalitan ng kaligayahan.


Ang pangatlong kagat ay pahiwatig ng pagtitiis sa unang bahagi ng iyong buhay. Dadaan ka muna sa unang baytang bago mo maabot ang tagumpay. Sa dakong huli, magiging mayaman at titingalain ka sa inyong lugar.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page