top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bilyong budget para sa mga binagyo, makarating sana nang maayos at mabilis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2021
  • 1 min read

@Editorial | December 22, 2021



Nasa P2 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.


Kasabay nito ang pagtiyak na ang lahat ng mga nangangailangan ay pagsisilbihan sa takdang panahon.


Nagpahayag din ng kumpiyansa na kakayanin ng pamahalaan ang paghahatid ng tulong sa apektadong mamayan nang walang tulong mula sa ibang bansa.


Pero kung may mga tutulong ay welcome naman daw ito sa pamahalaan.


Sa ngayon, ongoing pa umano ang assessment ng kapinsalaan na dulot ng bagyo.


Habang ang priority ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima.


Basta may pondo, masasabing magiging mas mabilis ang pagsaklolo sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.


Malaking tulong din ang bayanihan na likas na sa ating mga Pinoy.


Kung ang gobyerno at mamamayan ay magtutulungan, magiging mas mabilis ang pagbangon mula sa anumang kalamidad o krisis.


Dagdag pa ang mga nasa pribadong sektor na palaging handang tumulong.


Sa rami ng pinagdaanan natin ngayong taon, at sa mga nakaraan pa, ngayon pa ba tayo susuko?


Walang pandemya o bagyo na magpapabagsak sa atin. Hindi nito kayang buwalin ang pagiging matatag ng mga Pinoy.


May 2022 pa, may pagkakataon pa para makabawi, umunlad at mas maging malakas sa anumang hamon ng buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page