top of page
Gary V. - IG.jpg

Bilyonaryong Mafia ang Mahal Ko (32)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2024
1 min read

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 15, 2024




Ilang beses napamura si Nhel dahil hindi niya magawang magalit kay Via. Alright, hindi niya gusto ang banta nito. ‘Yung bang makakayanan nitong pagtaksilan siya, pero malinaw din naman nitong sinabi na gagawin niya lang iyon kung siya ang mauuna.


At siyempre, hindi niya iyon gagawin, ang nais niya dati ay paghihiganti, pero bakit hindi niya magawang saktan ngayon si Via? Dahil ba hindi pa niya tiyak kung mahal niya ba talaga ito? 


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan nang maramdaman niya ang sakit na gusto niyang iparamdam kay Via.


“Lahat ng kayang gawin ng lalaki ay kaya ring gawin ng babae,” wika nito.


Alam niyang may katotohanan ang sinabi nito, pero hindi pa rin niya iyon matanggap kaya sumama ang timpla niya. 


“Subukan mong magkaroon ng interes sa iba, para makita mo kung paano ko siya dudurugin gamit ang aking mga kamay.”


“Hindi mo magagawa ‘yan,” wika ni Via.


Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Talagang parang nabaligtad ang sitwasyon dahil parang ito ang humahamon sa kanya. 


Iniisip pa lang niya na may iba na si Via, para bang gusto na niyang kumitil ng buhay.


Hindi nga ba roon siya sanay?


Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil hindi naman siya ang gumagawa noon. Ipinapagawa niya iyon sa iba pero hindi niya iyon magawang ipagmalaki sa kanyang asawa.



Itutuloy…


 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page