ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 22, 2024
Ayaw sanang paniwalaan ni Via ang sinasabi ng kanyang ‘asawa’. Hindi na kasi ito pumayag na magkahiwalay sila mula nang sila'y ikasal.
Hindi niya alam kung bakit hindi rin siya gaanong nakakaramdam ng pagtutol. Para ngang bukal na bukal pa sa kanyang loob ang pagpapakasal sa binata.
Dahil ba nais niya lang mailigtas ang kanyang ama-amahan? Hindi man sila magkadugo, pero naging mabuting ama naman ito sa kanya. Minahal at ibinigay nito ang pangangailangan niya, pero nagbago lang talaga ang kanyang Tatay Pedro mula nang mawala ang kanyang ina.
“Anak ka ni Tatay Pedro? Pero, hindi ka niya naikuwento sa amin.” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ng dalaga.
“Talaga pa lang kinalimutan na niya ako,” wika nito.
“Sure kang alam niya?”
“Hindi na iyon mahalaga ngayon.”
Nakangisi ang lalaki ng sabihin nito ang mga katagang iyon.
“So, hindi lang ang utang ni Tatay Pedro ang dahilan kaya nagpakasal tayo?”
“Ini-expect mo bang kaya kita pinakasalan ay dahil na-love at first sight ako sa’yo? No. Pinakasalan kita dahil anak-anakan ka ng magaling kong ama. Gusto kong makita niyang nahihirapan ka sa piling ko,” mariin nitong sabi sa kanya.
Dapat sana ay matakot siya sa pagbabanta na naaninag niya sa mga mata nito, pero hindi niya iyon magawa dahil kita naman niya sa mga mata nito ang lungkot. Para tuloy gusto pa niyang haplusin ang mukha nito para mapawi ang lungkot.
Itutuloy…
Comments