Bilang ng mga estudyante at DepEd staff na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 823
- BULGAR

- Aug 24, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 24, 2020

Umakyat na sa 823 ang bilang ng mga estudyante at personnel ng Department of Education (DepEd) na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa datos na ipinakita ni Director Ronilda Co of the DepEd Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang, 297 ang estudyante, 340 ang bilang ng mga guro, at 186 ang non-teaching personnel.
Saad din ni Co 310 sa mga ito ang active cases, 23 ang binawian ng buhay, at 490 ang gumaling na.





Comments