Big boss ng network… CHARO, IPINAGDASAL ANG MGA CONG. NA MAGING PATAS SA ABS-CBN
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 7, 2020

Gaya ni Vice Ganda, nag-alay din ng dasal ang chief content officer ng kumpanya na si Ms. Charo Santos-Concio sa social media.
Ilan sa mga inalayan ng panalangin ni Charo ay ang kanyang mga kasamahan sa kumpanya para sa kanilang pagharap sa Kongreso kahapon (Lunes, Hulyo 6).
Nanalangin din ang Kapamilya executive sa lahat ng mga mambabatas para sa isang patas at makatotohanang pagdinig.
“We pray for your mercy, your love, and forgiveness. May your grace and blessings be upon us. May we rest in your unfailing love. We surrender our hearts to you. We lift up to you the men and women of ABS-CBN who are facing the hearing today. And we pray for our dear congressmen, steer their hearts to make decisions in the spirit of fairness and truth,” apela ni Ma'm Charo.
Bukod sa pagkilala sa kanya bilang “big boss” ng ABS-CBN, naging matunog na pangalan si Charo sa milyun-milyong Pilipino dahil sa programang Maalaala Mo Kaya kung saa'y binansagan ang programa as the longest-running drama anthology sa telebisyon.
Hanggang sa ngayo'y namamayagpag pa rin ang MMK sa ere hanggang sa ipatigil ng NTC ang istasyon sa bisa ng cease and desist order mula sa opisina ng Solicitor General.
At bilang aktres, kinilala ang galing ni Ma'm Charo sa pag-arte sa pamamagitan ng pelikulang Eerie kung saan nakasama niya ang Kapamilya star na si Bea Alonzo.





Comments