top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bgy. officials, dapat may silbi, hindi perhuwisyo

BULGAR
Oct 14, 2022
1 min read

@Editorial | October 14, 2022


Pirmado na ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos ngayong taon.


Batay sa Republic Act (RA) No. 11935, sa halip na sa darating na Disyembre 5, iuurong ang BSKE sa huling Lunes ng Oktubre 2023, na gaganapin kada tatlong taon.


Kaya may isang taon pa para manatili ang mga kasalukuyang opisyal.


Mapalad ang mga barangay na may responsable at tapat na mga opisyal, habang malas naman ang mga may kinatawan na mga pasaway, kaya tiis pa more.


Kaya gamitin natin ang pagkakataong ito na mapag-isipang mabuti kung sino ang mga karapat-dapat na iboto sa susunod na taon.


Sa tagal nang hindi tayo nakapagdaos ng halalan sa barangay, siguro naman ay kilala na natin kung sino ang mga may 'K' at kung sino ang perhuwisyo.


Batid natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na gobyerno sa barangay. Ito ang pundasyon ng pamayanan. Kung matitino ang mga pinuno, madadala niya ang kanyang mga nasasakupan.


Sana, maging mas matalino pa tayo sa pagpili at siyempre, simulan din ang pagiging responsable sa sarili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page