BFF, kahit 'di raw binati sa socmed sa bagong show…
- BULGAR

- Aug 2, 2020
- 2 min read
POKWANG, IBINULGAR NA BINIGYAN NG SANDAMAKMAK NA BAGONG DAMIT NI KRIS
ni Nitz Miralles - @Bida | August 2, 2020

Hinanap ng mga fans ni Kris Aquino ang pangalan ni Pokwang na ini-expect nilang magko-congratulate sa una sa premiere ng talk show nitong Love Life with Kris sa TV5.
At dahil hindi nila nakita ang pangalan ni Pokwang, tinanong nila ito kung bakit hindi man lang nag-congratulate kay Kris.
Sagot ni Pokwang, “Dahil kami lang nagkakaintindihan ng tunay na pagkakaibigan, hindi lagi sa social media lang, busy ako kasi pinaplantsa ko pa 'yung sandamakmak na damit na puro brand new na ibinigay po niya last week.”
Sa sagot ni Pokwang, natameme ang nagtanong at nalaman tuloy na binigyan siya ni Kris ng damit na magagamit sa bago niyang talk show sa TV5 pa rin, ang Rise and Shine kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna.
Saka, pareho nang nasa TV5 sina Kris at Pokwang, magkikita sila lalo na at nabanggit ni Kris na nag-request siya sa kanyang producer ng isang episode na guests sina Pokwang at K Brosas.
‘Yun ang abangan ng mga fans at tiyak na masaya ang episode ng tatlong magkakaibigan.
Speaking of Kris, si Bimby daw ang schedule master ng kanyang show at ipinaalala ang bilin ng doctor na kung ilang araw nagtatrabaho si Kris, kailangang ilang araw din siyang magpapahinga.
“So, everything was take into consideration. But Bim also said that he knows that this will what make me happy. And this is what... he said, I was born for this! And so, he wants me to also be inspired to be at my healthiest,” share ni Kris.
Sa August 15 ang premiere ng Love Life with Kris at August din ang pilot ng Rise and Shine nina Pokwang, Ria at Pauleen, kaya panoorin na lang pareho!





Comments