top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bf na taong sais, ka-compatible kaya mapapangasawa at magkakaroon ng masayang pamilya

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 10, 2022


Dear Maestro,


Compatible ba kami ng boyfriend ko sa Numerology at Astrology, gayundin, kami na ba ang magkakatuluyan? Magda-dalawang taon na ang relasyon namin sa September 25, kung kami ang magkakatuluyan, magiging maligaya ba kami sa panahong may sarili na kaming pamilya?


Isa pa, ano’ng taon at buwan ang magandang magpakasal upang masigurado na magkakaroon kami ng maligaya, masagana at panghabambuhay na pagpapamilya?


November 12, 1999 ang birthday ko, habang July 6, 1992 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Jane ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City


Dear Jane,


Ayon sa birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3), tunay ngang sa aspetong Numerology, ka-compatible mo ang iyong boyfriend na may birth date na 6, dahil ang 3 at 6 ay under sa series of 3-6-9. Ibig sabihin, ang tatlong nabanggit na numero ay tugma o magkaka-compatible.


Hinggil naman sa Astrology, ang zodiac sign mong Scorpio ay under sa elementong water o tubig, habang ang zodiac sign na Cancer ng boyfriend mo ay pinaghaharian din ng elementong tubig. Sa Western Astrology, ang zodiac sign na kapwa may parehong elemento ay pinaniniwalaang compatible sa isa’t isa.


Ibig sabihin, walang alinlangan, sa pag-aanalisang Astro-Numerology, swak at compatible kayong magkasintahan. At sa malapit na hinaharap, maaaring kayo na ang magkatuluyan at ‘pag nangyari ito, may pangako ng maligaya at masaganang pagpapamilya.


Samantala, ayon sa inyong Love Calendar, favorable years n’yong magpakasal sa taong 2025 hanggang 2026, sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo. Puwede ring sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre, kung saan upang lubos na maging masagana at maligaya ang inyong samahan, dapat ang petsa o araw ng inyong kasal ay nakatuon sa panahon na papabilog o papalaki ang buwan (new moon, first quarter o full moon).


Sa ganitong paraan, tulad ng papabulas at papalaki na buwan sa kalangitan, magiging papabulas din ang itatayo n’yong masagana at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page