Beybi, iniwan sa loob ng simbahan
- BULGAR

- Feb 21, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 21, 2024

Natagpuan ang isang sanggol na lalaki na inabandona sa isang simbahan sa Mulanay, Quezon.
Ayon sa ulat ng pulisya ngayong Miyerkules, isang babae na nagdarasal noong Martes ang nakarinig at nakakita ng pag-iyak ng sanggol na nakabalot sa tela sa paanan ng isang imahen ng santo sa loob ng Parokya ng St. Peter Apostle bandang alas-6 ng hapon.
Kaagad na iniulat ng babae ang kanyang nakita sa mga social workers na dinala naman ang sanggol sa mga manggagamot para sa isang pisikal na pagsusuri.
Isang imbestigasyon ang inilunsad upang matukoy ang ina ng sanggol at kung sino ang nag-iwan nito sa simbahan.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, ilalagay muna ang sanggol sa pangangalaga ng local social welfare office.








Comments