top of page
Search
  • BULGAR

Bet na girl, ‘di ka-compatible kaya dapat nang tumigil

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Ika-1 Araw ng Abril, 2024



 


KATANUNGAN


  1. Wala pa rin akong girlfriend ngayon, kaya naisipan kong sumangguni sa iyo upang malaman kung kailan ako magkaka-girlfriend. May nililigawan naman ako, kaso parang wala siyang gusto sa akin. Siya ay isang Aquarius at Cancer naman ang zodiac sign ko. Dapat ba akong magpatuloy o tumigil na lang bago tuluyang ma-busted?

  2. Maestro, sana mabigyan n’yo ako ng tamang advice para hindi ako magkamali ng desisyon. Plano ko rin kasing mag-asawa kaya gusto ko na talagang magka-girlfriend.

  3. Sa palagay n’yo, ayon sa guhit ng aking mga palad, magkaka-girlfriend na ba ako ngayong 2024 o sa susunod na taon?

 

KASAGUTAN


  1. Tunay ngang mas maganda, malinaw at mahaba ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad kung ikukumpara sa naunang sobrang ikli at halos hindi gumuhit na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.). 

  2. Ibig sabihin, sa sandaling itinigil mo na ang panliligaw sa babaeng isinilang sa zodiac sign na Aquarius, tiyak ang magaganap ngayong 2024, sa buwan ng Setyembre, isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang magiging girlfriend mo kung saan ang babaeng ito ay kilala o kaibigan mo na. Sa sandaling nagkapalagayan kayo ng loob, wala pang isa o dalawang buwang panunuyo, para kang tumama sa lotto, mabilis ang magaganap at tulad ng nasabi na, magiging girlfriend mo siya ngayong taon sa buwan ng Setyembre o Nobyembre.

 

DAPAT GAWIN 


Tulad ng nasabi na, Richard, dahil hindi mo naman ka-compatible ang Aquarius, mas mainam na itigil mo na ang panliligaw sa sinasabi mong babae. Sa halip, ngayong summer habang patindi nang patindi ang init ng panahon, lumingon-lingon ka sa iyong kapaligiran dahil maaaring kasamahan mo sa trabaho o kapitbahay n’yo lang ang babaeng Scorpio, na medyo maputi, malusog ang pangangatawan at mababa ang height, siya ang ligawan at suyuin mo, nang sa gayun ay kusang matupad ang iyong plano at pangarap — sa edad mong 27 pataas, magkaka-girlfriend ka at ang nasabing suyuan ay hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page