top of page

Berjaya Hotel sinuspinde na ng DOT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | January 5, 2022


ree

Sinuspinde na ng Department of Tourism ang akreditasyon ng Berjaya Makati Hotel.


Ito ay matapos na mag-skip ng quarantine sa nasabing hotel at dumalo ng party ang isang Pilipina na nagmula sa ibang bansa na kinalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.


Ni-revoke ng DOT ang permit ng Berjaya bilang multiple-use hotel dahil hindi nagawang pigilan ang kanilang guest na suwayin ang quarantine rules.


Gayundin ay pinatawan ng fine ang Berjaya.


Matatandaang noong December 23, 2021, si Gwyneth Chua, isang returning overseas Filipino mula sa United States, ay nag-skip ng hotel quarantine para dumalo sa isang party at pumunta sa restaurant sa Poblacion, Makati City.


Noong December 27, nagpositibo ito sa COVID-19, gayundin ang mga kasama nito sa party at ilang kostumer at staff sa restaurant na pinuntahan nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page