Benefits ng mga health workers, ibigay na
@Editorial | July 16, 2022
Iniutos na ni Pangulong Bongbong Marcos kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na tiyaking maibibigay ang benepisyo ng mga health workers.
Ayon kay Vergeire, bukod sa benepisyo ng mga health workers, pinatitiyak din ng Pangulo na paigtingin pa ang ginagawang pagbabakuna kontra COVID-19 at pandemic response.
Kaya sana'y masimulan na ang pagplano kung paano mapabibilis ang pagbibigay ng benepisyo sa mga healthcare workers.
Napag-alamang mayroong pondo na isinalin sa DOH’s Centers of Health Development para sa benepisyo ng mga health workers.
Kailangan lang umano ng karagdagang pondo para mabigyan ng karampatang benepisyo ang mga health workers.
Sa wakas, matatanggap na ng ating mga medical frontliners ang dapat sana'y noon pa nila nakuha. Hindi naman nila ito hiningi, kundi kanilang pinagtrabahuan at buwis-buhay pa.
Sana sa administrasyong ito ay mas mabigyang pansin na ang ating mga health workers. Ibigay naman ang nararapat sa kanila.
Sila ang nagsisilbi nating pananggalan at tagapagtanggol sa lahat ng uri ng karamdaman lalo na ngayong may pandemya. Mahalin at alagaan din natin sila.



Comments