Benefits ng health workers, ibibigay na, sa wakas!
@Editorial | October 5, 2022
Magandang balita na ilalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit P11 bilyon na pandemic response funds para sa mga benepisyo ng mga health workers.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga benepisyo at allowance ay sumasaklaw sa panahon ng Enero hanggang Hunyo.
Nauna nang umapela ang DOH sa mga mambabatas na itaas ang panukalang 2023 budget ng departamento para isama ang mga benepisyo at allowance ng mga health workers. Sa iminungkahing badyet ng ahensya, P37 bilyon ay para sa public health emergency allowance ng healthcare at non-health care workers, kalahati nito o P18.96 bilyon ay unprogrammed funds o popondohan lamang kung maabot ng gobyerno ang target na kita nito.
Pagdating sa mga medical frontliners, hindi dapat magtipid, lalo na ang manghinayang sa pagbibigay ng nararapat na pasahod at benepisyo.
Sila ang nagsilbi nating kawal sa gitna ng pandemya. Literal na buwis-buhay, isinakripisyo ang lahat alang-alang sa kaligtasan ng kapwa.
Kaya sana ay magtuluy-tuloy na ang pagbibigay ng pansin at pagbabalik-kalinga sa ating mga health workers.



Comments