Beking magkaka-dyowa sa 2023 pero ‘di makakatuluyan
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 24, 2022
Dear Maestro,
May kaugnayan sa aking kasarian ang aking problema. Ako ay gay at hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo, pero marami akong crush. Noong una ay hindi tanggap ng mga magulang ko ang aking sitwasyon, pero nang nag-college at nagladlad ako, wala na silang nagawa. Sa halip, napuri pa nila ako dahil ‘yung iba kong kapatid na lalaki ay hindi nakatapos ng kolehiyo, samantalang ako ay nakapagtapos at may magandang trabaho ngayon.
Tulad ng nasabi ko, hindi career ang problema ko kundi love life dahil talagang zero ang love life ko hanggang ngayon. Kahit ba ganito ako, magkaka-dyowa ako at kailan ito matutupad? At minsan kapag ako’y nag-iisa, hindi ko maiwasang maiyak at tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ako nagkaganito. April 25, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Mikaya ng Panahasan, Malolos City, Bulacan
Dear Mikaya,
Sabi ng mga relihiyoso, dalawang uri lang ng tao ang ginawa noong unang araw ng paglalang – sina Adan at Eba. Kaya hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ang mga antropologo kung saan nanggaling ang tibo, bakla at silahis o bisexual, transgender at kung anu-ano pang tawag, pero ngayon ay tinatawag na silang kasapi ng LGBTQ+ community.
Pero sa biological na pag-aaral, sa Animal Kingdom at Plant Kingdom, lehitimo o legal ang bisexual. Maraming uri ng mikrobyo at hayop ang alanganin ang kasarian, gayundin, maraming uri ng halaman ang bisexual.
Sa isang pag-aaral na isinagawa tungkol sa Animal Journal, kinumpirma ng mga ebidensiya ang ganitong katotohanan, “The Bonobo displays the highest rate of homosexual activity in any animal, being a fully bisexual species.” Ang Bonobo ay isang uri ng unggoy na kung tawagin ay Pygmy Chimpanzee o maliit o duwendeng uri ng chimpanzee at tulad ng nasabi na, may pagka-bakla o homosexual.
Habang ang sea urchin, snails, earthworms atbp. uring mga isda ay sinasabing mga uri ng hayop na hermaphroditic o hermaphrodite, na may kategoryang “truly bisexual”.
Pero mas hahanga ka sa mga dolphin sa Amazon River, kung saan napakaimoral ng kanilang sexual life. Ayon sa sinipi nating pag-aaral, sinasabing, “The Amazon River Dolphin has been reported to form up in bands of 3-5 individuals enjoying group sex.
The groups usually compromises young males and sometimes one or two females. Sex is performed in non-reproductive ways, using snout, flippers and general rubbing, without regards to gender. They will sometimes perform homosexual penetration of the blowhole, the only known example of nasal sex. The males will sometimes also perform sex with another male dolphin.”
Kumbaga sa Tagalog, bukod sa bisexual ang mga dolphin sa Amazon River, gumagawa rin sila ng sari-saring sexual activities na sadyang napakahirap arukin o unawain ang dahilan.
Samantala, halos lahat ng bulaklaking halaman ay tinatawag ding bisexual, sapagkat may kakayahan silang “i-fertile” o “buntisin” ang kanilang sarili upang magpatuloy ang kanilang pagdami at pagpapalahi.
Kaya sa susunod, ‘wag mo nang itatanong kung bakit ka naging bading, sapagkat maaaring may sadya talagang nilikhang ganyan at maaari ring may espesyal kayong assignment sa mundo kung bakit patuloy pa ring naglalakad sa ibabaw ng mundo ang mga kasapi ng LGBTQ+ community.
Samantala, ayon sa iyong Sexual at Love Calendar, sa taong 2023, tiyak ang magaganap, magkaka-dyowa ka na at magkakaroon talaga kayo ng sexual relations. Ang unang magiging dyowa mo ay isang Virgo, pero hindi rin kayo magkakatuluyan o sabihin nating, masarap pero panandaliang romansa lamang. Pagkatapos nito, bigyang-daan naman ang taong 2024, kung saan dito ka na magkakaroon ng pangmatagalang relasyon, na hatid ng kapwa mo may kakaibang kasarian na isinilang sa zodiac sign na Scorpio.




Comments