top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bebot, wa’ na pag-asang magka-bf, next year mami-meet si Mr. Aries

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 10, 2023



Dear Maestro,


Tawagin n’yo na lang akong Ghie. Isinilang ako noong Agosto 10, 1982, chubby ang pangangatawan ko at siyempre maganda rin naman. 41-years-old na ako ngayon.


Kaya naman kinakabahan ako na baka tumanda akong dalaga kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend.


Ask ko lang sana Maestro, kung makakapag-asawa pa kaya ako kahit na ako ay mataba? Kung makakapag-asawa ako, kailan naman kaya ito magaganap?

Umaasa,

Ghie ng Pandi, Bulacan

Dear Ghie,


Oo naman makakapag-asawa ka pa, kahit sabihin pang saksakan ka nang katabaan, dahil unang-una, wala namang kaugnayan ang pisikal na anyo sa nakatakdang kapalaran.

Pangalawa, tunay ngang makakapag-asawa ka pa kahit mataba ka, dahil bihira naman sa mga taong isinilang sa petsang 10 o (1+0=1) na tulad mo na nagkataon pang Leo ang iyong zodiac sign, ang hindi nakakapag-asawa, isaalang-alang pang strong number ang birth date mong 1 at zodiac sign mong Leo na may ruling planet na Sun at ang Sun ay nagtataglay din ng numerong 1.


Ang nagiging problema nga lang bukod sa numerong 1 na umiimpluwensya sa iyong kapalaran, ikaw din ay pinagkalooban ng destiny number na 2 (8+10+1982=2000/ 20+00=20/ 2+0=2) kung saan, ang numerong 2 ay isang weak o mahinang numero.


Ibig sabihin, sa sandaling higit na nanaig ang numerong 2, sa iyong pagkatao sa halip na ang numerong 1 at ang zodiac sign mong Leo, tunay ngang may tendency na hindi ka makapag-asawa, dahil tulad ng nasabi na, ang numerong 2 ay weak o mahinang number. Dagdag dito, statistically speaking bukod sa numerong 6, 15 at 24, ang numerong 2, 11, 20 at 29 ay tipikal na halimbawa ng mga numerong hindi nakakapag-asawa.


Upang ‘di mangyari ang senaryong nabangit sa edad mong 41, ganito ang gawin mo.


Una, upang mapairal mo ang zodiac sign na Leo at numerong 1 sa halip na ang numerong 2, makipagkaibigan ka sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Aries, Aquarius, Sagittarius, at kapwa mo Leo.


Sa piling kasi ng mga zodiac sign na nabanggit makakaramdam ka ng init at kakaibang sigla, upang kusang kumilos ang iyong mga paa, at kusang sisigla ang tibok ng iyong puso at sa ganu’ng paraan, mas madali kang makakapag-asawa.


Pangalawa, dapat magsuot ka ng gold na singsing na may palamuting batong sardonyx. Ang talismang ito ang magsisilbing anting-anting, pang-akit ng suwerte, hindi lang sa pag-aasawa at sa pag-ibig kundi sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Samantala, sundin mo lang muna ang mga rekomendasyong binanggit para makapag-asawa ka. Sa sandaling sinunod mo ang mga rekomendasyon sa itaas, ayon sa iyong Love Calendar sa susunod na taong 2024, hindi pa huli ang lahat, pagtuntong mo ng edad 42 pataas, pinakamatagal na sa taong 2025 sa edad mong 43 pataas, sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa at magkaroon ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page