top of page

Bebot, super-inlab sa bf na seaman nakatakdang maghiwalay sa taong 2024

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 2, 2023





KATANUNGAN

  1. Seaman ang trabaho ng boyfriend ko ngayon. Ang problema kasi four years na siyang nagbabarko at kapag umuuwi siya sa rito sa ‘Pinas, ay isa o dalawang beses lang siya kung dumalaw sa amin tapos mababalitaan ko na lang na sumakay na pala siyang muli sa barko.

  2. Bakit kaya siya ganu’n? Bakit parang hindi siya seryoso sa akin at parang binabalewala lang niya ang relasyon namin? Iniisip ko baka may iba pa siyang girlfriend bukod sa akin?

  3. Sa palagay mo ba, Maestro, kami na ang magkakatuluyan o may ibang lalaking pang darating sa buhay ko na higit pa sa kasalukuyan kong boyfriend?

KASAGUTAN

  1. Malabo kayong magkatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend, Angel. Nangyari, sapagkat ang kasalukuyang pakikipagrelasyon ay maituturing na guhit lamang ng pakikipag-boyfriend (Drawing A. at B. f-f arrow a.) na hindi masyadong intimate o malalim kung ikukumpara sa guhit ng totoong boyfriend na sobrang close talaga at nagmamahalan talaga ang magkasintahan, na sa bandang huli ay magiging Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.).

  2. Ganito ang nakasulat sa iyong palad, ang pakikipag-boyfriend sa kasalukuyan ay guhit lamang ng panandaliang relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) na kahit sabihin mo pang matagal na kayo, wala namang deep o malalim na ugnayang na nabuo o namagitan talaga sa inyong dalawa.

  3. Dahil binabalewala ka niya, sa bandang huli mababalewala rin ang ugnayan niyo sa isa’t isa, dahil hindi niyo naman ito kapwa pinahahalagahan.

  4. At tulad ng naipaliwanag na sa hinaharap hindi na nga mapipigilan pa, maghihiwalay rin kayo, makalipas ang mga ilang taon pa, kusa na ring darating sa buhay mo ang lalaking mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal, na sadyang iginuhit sa kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagbabadya ng isang katotohanan at seryosong relasyon na may kaakibat ng isang wagas at panghabambuhay na pag-iibigang hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kung ano ang mga bagay na pinapahalagahan mo ‘yung ang mananatili at matitira sa iyo. At ‘yung mga bagay na hindi mo pinahahalagahan, ay kusang mawawala sa iyo.

  2. Pagdating sa pag-ibig ay ganun din. Kung may isang tao na nagmamahal sa iyo, dapat pahalagahan mo ito, dahil kahit ganyan lamang ang pagmumukha o itsura mo, magpasalamat ka dahil may nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo.

  3. Sa ganu’ng pamantayan, lagi mong pahalagahan ang mga bagay, at mga taong dumarating sa buhay mo, dahil darating ang panahong pahahalagahan ka rin ng kapalaran – bibigyan ka nito ng mas maganda at maraming mga biyaya.

  4. Habang ayon sa iyong datos, Angel, sa pagbungad na pagbungad ng susunod na taong 2024, hindi na nga mapipigilan pa ang magaganap, tuluyan na kayong magkakahiwalay ng boyfriend mong seaman.

  5. Nangyari, tulad ng naipaliwanag na, hindi kasi siya marunong magpahalaga sa isang relasyon. Sa panahon ng tag-araw sa 2024, sa edad mong 29 pataas, isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Libra ang darating – siya na ang magiging seryoso mong boyfriend, na makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025 sa edad mong 30 pataas.


 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page