top of page

Bebot na todo-bigay sa bf pero iba ang makakatuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | January 15, 2022





KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon at may nangyari na sa amin, gayundin, siya ang first boyfriend ko. Gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko?

  2. Napapansin ko kasi na habang tumatagal ay dumadalas ang pagtatalik namin at natatakot akong mabuntis dahil pareho pa kaming nag-aaral.

  3. Kung siya ang makakatuluyan ko, magiging maligaya at maunlad ba ang aming papasuking pagpapamilya?


KASAGUTAN


  1. Negatibo ang tugon — hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan. Ito ang nais sabihin ng ikalawang mas mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, mabibigo ka sa una mong boyfriend at may darating pang ikalawang lalaki na siyang makakatuluyan mo.

  2. Ang pag-aanalisang hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang siyang panghuling pakikipagrelasyon ay madali namang kinumpirma ng naputol, nagkabilog at gumulong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na saglit na kaligayahan lang ang itatala sa buhay at karanasan mo ngayon at pagkatapos ay matinding pagsubok at kabiguan na. Pero bahagi ‘yun ng buhay dahil makalipas ang isa, dalawa o tatlong taong kalungkutan sa inyong paghihiwalay, may muling darating bilang ikalawa, na siya nang makakatuluyan at makakasama mo habambuhay sa pagbuo ng masaya at maunlad na pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. ‘Ika nga, hindi dapat ibinibigay agad ang pagkababae sa boyfriend, dahil paano kung sakaling matapos kang bumigay pero hindi naman pala siya ang makakatuluyan mo?

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Annalyn, humigit-kumulang katulad ng ehemplong inilarawan ang magaganap sa iyong kapalaran. Ibig sabihin, hindi mo makakatuluyan ang iyong first boyfriend. Gayunman, sa ikalawang pakikipagrelasyon, pagpapalain ka pa rin ng tadhana at makakatagpo ng lalaking mabuti at tapat na papakasalan at sasamahan ka sa pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nagtataglay ng zodiac sign Scorpio.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page