top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bebot na super-inlab sa BF, kailangang gamitin ang isip para makapag-asawa sa tamang edad

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2021
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 14, 2021




KATANUNGAN


  1. May karelasyon ako ngayon at siya ay crush ko, at nagkataong crush din pala niya ako kaya naging mag-on kami. Tuwing magkasama kami, kung maaari ay ‘wag na kaming magkahiwalay pa at kapag hindi ko naman siya nakikita o nakakasama ay hinahanap-hanap ko siya.

  2. Gusto kong malaman kung umiibig na ba talaga ako kasi ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling? At alam mo, kapag nakikita ko siyang may kasama o kausap na iba, asar na asar ako. Bakit parang ako ay nagseselos na alam kong hindi naman dapat?

  3. Naitanong ko sa inyo ang mga bagay na ito dahil nalilito ako sa aking damdamin. Nagtataka kasi ako sa sarili ko kung bakit siya na lang palagi ang laman ng isipan ko mula umaga, tanghali, hanggang hapon pati na rin sa pagtulog ko sa gabi.

  4. Sana, matulungan mo akong bumalik sa normal ang buhay ko. Sa ngayon kasi, medyo nahihirapan ako. Ewan ko ba kung bakit puro siya na lang ang laman ng aking isipan. Talaga bang umiibig ako o naloloka na? Natatakot tuloy ako na baka bigla akong makapag-asawa nito at kami na ba ang magkakatuluyan?


KASAGUTAN


  1. Ganyan talaga ang in love, parang nagkahalong naloloka at nagmamahal at masasabi pang magulo talaga ang umibig, pero masaya at kung wala namang pag-ibig, wala rin namang kakuwenta-kuwentang mabuhay.

  2. Samantala, may babala ng maagang pag-aasawa ang nais sabihin ng sobrang lapit na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kapag patuloy kang naloka at nahibang sa sinasabi mong lalaki, posibleng sa malapit na hinaharap, nasa panahon o wala sa panahon mang matatawag, bigla kang makapag-aasawa.

  3. Subalit, dahil bata ka pa o hindi pa tapos ng pag-aaral, kailangang pigilin mo ang iyong nararamdaman at haling na pag-ibig sa iyong boyfriend nang sa gayun ay bago ka makapag-asawa, makatapos ka muna ng pag-aaral.

  4. Makakaya mo naman itong pigilin, sapagkat ayon sa mataba at malaking itaas na bahagi ng daliring hinlalaki (arrow c.), kung gagamitin mo ang will power o pag-iral ng matining na kalooban, ang kasalukuyan pagka-in love, hindi naman sa dapat mong pigilin, bagkus dapat din naman gamitan mo ng rason o isip upang hindi ka tuluyang mapalautan.

  5. Sa balanseng gamit ng rason at damdamin sa panahong ikaw ay umiibig, hindi ka magkakamali ng pagpapasya, sa halip ay matatama ka ng desisyon, hindi ka maliligaw ng landas at bago makapag-asawa, makakatapos ka muna ng pag-aaral. ‘Ika nga ng Mathematician at Philosopher na si Blaise Pascal, “We know the love, not only by the heart, but also by the reason.”

MGA DAPAT GAWIN


  1. May dalawang dahilan kaya ang isang tao ay dapat magpaanalisa ng kanyang kapalaran. Una, upang kung may pangit na pangyayari na magaganap, susubukan niya itong mahadlangan. Oo, ito ay mahahadlangan niya sa pamamagitan ng will power at determinasyon. Mangyayari lamang ito kung may mataba at malaking itaas na bahagi ng dalairing hinlalaki (arrow c.).

  2. Pangalawa, kung ang isang tao ay nagugulumihanan sa kanyang future, ibig sabihin ay nagtataka o nalilito dahil hindi niya alam ang mangyayari. Sa pag-aanalisa ng kapalaran, kapag maganda ang nakaguhit sa palad, masasabi mo agad ang nagpapaanalisa ng kapalaran na, “Wag ka nang magulumihanan o ‘wag ka nang mag-alala sa kinabukasan, sapagkat ang iyong tadhana ay nagsasabing sa huling pasya ng tadhana, walang duda na magtatagumpay ka at habambuhay na magiging maligaya.”

  3. Sa kaso mo, Jenny, mas angkop sa iyo ang unang tinuran kaya nagpapaanalisa ng kapalaran. Kung saan ayon sa iyong mga datos, binibigyang-babala ka ng iyong kapalaran, na kapag patuloy kang nahibang sa kasalukuyang pag-ibig na iyong nararamdaman, sa murang edad na 19, maaaring bigla kang makapag-asawa, na magiging dahilan upang hindi ka makatapos ng pag-aaral (Drawing A. F-F Drawing A. arrow d.).

  4. Ngunit kung kasabay ng nakababaliw na pagka-in love, babalansehin mo ito ng rason o malinaw na kaisipan, higit na matutupad ang tuluy-tuloy na Fate Line (Drawing B. F-F arrow d.) na nakasampa sa Bundok ng Tagumpay (arrow d.), sa kanan mong palad.

  5. Ibig sabihin, bago ka makapag-asawa, makakatapos ka muna ng pag-aaral at magiging isang propesyonal upang minsan pa, muli na namang mapatunayan ang isa pang katotohanan ng buhay na kapag umiibig at ginamit ang isip, sa halip na puro puso at puson lamang at nag-asawa sa tamang edad, mas makatitiyak ng mas maunlad at mas maligaya pag-aasawa habambuhay (Drawing A. at B. 1-M arrow a.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page